SFCLaguna 16TH Anniversary Experience By Abby Naparan
Sfc Laguna 16th anniversary Malapit na!
Hmm nung narinig ko yun nung inanouncesya nung umatend ako ng Discovery Weekend..na –excite ako.. lalo pa nung sinabi na sabay na dito yung sportfest and creative band competition at marami pa. .
Naisip ko kaagad na bongga to! at pinaghahandaan talaga ..
At syempre nagdaan ang mga araw... habang papalapit ang malaking event na yun.,naging busy din kami sa pag-papa praktis para sa Creative Band competition, halos gabi na rin umuwi..at si allen at yung iba pa na kasali sa Cheerdance Competitionhalos inaabot na ng madaling araw para lang mapaganda ang sayaw nila ..” at sabi pa nga ni allen, bugbog na daw ang katawan nya sa pasa kahahagis sa kanya”
“At lumipas nga ang oras, biglang dami ang mga madlang SFC! ... nag-OVERFLOW na!”
AUGUST 1, 2010! SFC LAGUNA ANNIVERSARY na! Yeheeeey!
Expect ko dun sigurado maraming sfc ang nagkalat sa venue!
at pag dating nga namen dun nina ( jeramy, gelle,ghail, francis, jocy). Na starstruck ako!Hehe parang walang tao..iniisip ko talaga kasi ng mga panahong yun..pagpasok ko pa lang sa gate, nagsiksikan na kami...haha
naalala ko kasi nung First time umatend ako ng anniversary yata yun ng Couples for Christnung December 06,2009sa letran din sya ginanap..sobrang daming tao nun..
Ganun ang Ini-expect ko...
Pero sabi ko sa sarili ko...mga Filipino time nga pala ang mga SFC hehe ..baka masyado lang kami maaga..
At lumipas nga ang oras, biglang dami ang mga madlang sfc ! kahit di napuno ang gymnasium ng Letran para sakin nag-OVERFLOW na!
"Ang mahalaga napakita namen na sobrang blessed kami na binigyan kami ni God na ganung talent...”
Overflow sa Kasiyahan! Overflow sa mga talents na pinakita ng bawat isa! At higit sa lahat nag-Overflow! Sa pagbibigay puri at pagmamahal kay God!
Hmm hindi man kami nag-wagi sa Creative Band Competition, Auz lang! Sa una pa lang iniisip na namen na hindi talaga yun isang Competition..ang mahalaga napakita namen na sobrang blessed kami na binigyan kami ni God na ganung talent..at syempre para magamit na rin para magbigay puri kay papa God!
At isa pa alam ko na sobrang nag-enjoy talaga ang lahat! Syempre nakabonding din namen ung ibang Cluster . .
Hindi rin nawala ang Teachings! Syempre sa Sfc sagana tau dyan!
Nagkaroon ng Talk tungkol sa Theme: OVERFLOW kung saan nakuha to sa verse sa bible.. "So then, just as you received Christ Jesus as Lord, continue to live in him, rooted and built up in him, strengthened in the faith as you were taught, and overflowing with thankfulness." Colossians 2:6-7
”Gusto kahit paano may maitulong ako kahit sa kunting paraan at magbigay pag-asa sa kanila...”
God is good talaga! Kasi habang nadadagdagan ang bilang ng sfc sa laguna,lalo rin tumitibay yung samahan ng bawat isa at syempre sobrang overflow sa faith,love kay God! Kaya hindi nakakapagtakang nakaabot sa 16 years at siguradong magtatagal pa ...At nagkaroon din ng advocacy! (my favourite part! Hehe) Pinapili rin ang bawat isa kung anong advocacy ang gusto mong suportahan..Kung pwede nga lang lahat eh! Hehe kaso isa lng dapat!
(ONE HOPE, ONE EARTH, ONE PEACE, ONE NATION)Malapit sa’kin ang ONE HOPE! ..Dahil naramdaman ko din ang hirap na dinadanas ng mga taong walang makain, matirhan o parang salat sa mga materyal na bagay,alam ko sobrang masuwerte pa ko kumpara sa kanila..Gusto ko kahit paano may maitulong ako kahit sa kunting paraan at magbigay pag-asa sa kanila. Nag—sign kami dun, na nangangako na susuportahan namen ang advocy na pinili namen ..
“...ramdam na ramdam ko, yung init ng pagmamahal ni God!”
PRAISEFEST!
Nung mga oras na’to sobrang ramdam ko na nag- OVERFLOW ako.. Dahil sa ramdam na ramdam ko, yung init ng pagmamahal ni God! Na kahit alam kong marami kong nagagawang mali sa kanya at sa iba.. Patuloy pa rin nya kong niyayakap sa pagmamahal nya..kaya ng mga oras nay un Nag-overflow ang luha ko.. .. Kayanga sigaw kung sigaw! Kanta kung kanta! Sayaw kung sayaw! Dahil sobrang sarap sa feeling!